faye in pink.

Saturday, June 13, 2009





















di ko matandaan ang okasyon nito. basta sa haus eto na nakapink si Faye.
wala muna story - just pics,





she is renee felicity g. renosa in pink.

Happy 1st Father's day to me!

Friday, June 12, 2009

This is the same log that i have on the other blog - ex banker.


"Anu ang kinabukasan ang naghihintay sa anak ko? ang ekonomiya ng pilipinas, ang gobyerno ay walang magawa. Hanggang ngayon contractual na empleyo pa rin ako."

Dati, dahil writer nga ako kuno na sumusubok lumaban sa contest, ang pinagdidiskitan kong scenario ay nasa labas ako ng operating room ng hospital. Naghihintay sa paglabas ng baby ko at ng nanganganak kong asawa.

medyo obvious na ba na ang training ko ng writing is ung "pandesal" scenario. Sa umpisa ng essay, magbubukas ng takip sa hapag ang bata para mag-almusal.

"Itay, bakit ganito araw-araw paliit ng paliit ang pandesal?"
"Hayaan mo anak pag nakahanap ng maganda trabaho ang tatay mo baka makabili na tayo ng masarap na almusal".

then, ratatat. tirahin ang gobyerno sa buong essay kunporme kung ilang words ang sabi ng contest or kung gaano kalaki ang space mo sa newletter. Sa ending, balikan almusal ng mahirap ng pamilya. Pagbukas ng takip sa hapag.

"Itay, bakit wala nang pandesal sa hapag?"
"Anak, wala na tayong pambili ng almusal."

Wow, galing neh. thanks to sir Jorge Canare (prof ng T. Del Rosario College).

Pero siyempre luma na ang pandesal na yan. Di ko na pwedeng ulitin. kung anu-anu na ang kwentong naimbento ko pag gumagawa ako ng composition. Isa nga sa naisip ko iyung lalaki na nangangamba sa kinabukasan ng anak na ngayon pa lang ilalabas. Sa hirap ng buhay paano ko mabibigyan ng magandang future ang baby. At batikusin ang gobyerno ng umaatikabo. ang galing ko neh? drama kung drama.

alam ninyo ba? never kong ginamit sa mga sulatin ko iyun. Magiging fake ung essay kasi hindi naman ako dumaan sa ganon that time.

recently, 53 days ago, i was on that scenario. mali nga. hindi ko na maiisip iyon pag nasa ganun kang sitwasyon. Gusto ko nang lumabas ang bata at makita ang bunga ng kakisigan ko. he he. Ang concern ko that time, ung misis ko huwag mahirapan, walang maging aberya at manganak siya ng hindi cesarian.

para sa baby, dapat kumpleto ang parte ng katawan, walang butas ang baga, hindi malaki ang ulo (hydroce-something), ung puso tama ang heartbeat, walang balat (birthmark) sa mukha at given naman na sana buhay as in alive and crying (patahanin na lang afterwards).

ung gobyerno at ekonomiya, pati puli-pulitiko ang layo sa isip ko niyan nung nasa exact scenario na ako.

Enjoy the baby, tsaka na ang ekonomiya. Sa bilis ng panahon (minsan parang mabagal kasi gusto ko na lumaki si Erasmus) at sa dami ng dapat asikasuhin sa bata, madalas nalilimutan ko ang mga pangyayari.

Madalas akong tinatanong kung ano ang feeling. Siyempre dapat ang sagot ko "proud po". Naitayo ko na ang flagpole, lalaki pa ang panganay ko. Nagwoworry ako, may sugat pa si mrs sa.. dun. Napaparanoid ako, baka bulag or pipi or malambot pala ang legs kasi after ilang months pa malalaman. Dahil nga sa mga iyon, di pa magsink in sa akin.

One month na ang baby ko nung time na eto. Tag-ulan. Naipon na ang labahin. Naglaba na ako ng everest clothes namin. Sabi ni Mrs. isama ko na raw ang damit ni erasmus. Wala lang sa loob ko. Medyo kalagitnaan na ng paglalaba ko, parang nagca-cramps ang kamay ko.

"Kahirap naman maglaba ng mittens at dwarf medyas-es."

Teka ito na nga. Kablam! May anak na ko. Damit na ng baby ko ang nilalabhan ko!

Iyun pala ang pitik na hinihintay ko all along.


Advisory: Sana marami magtext, kung sinu-sinu pinagtetetext ko dati na father-friends ko. txtback sila this time. Tumatanggap din ako ng gift. Pwede na ang apple tree para sa farm (town) ko.

lolo ni gelo, faye at elmo's - 70th birthday


Around may or june 2008, a friend ( mama bench) asked me to do slide presentation/video ng tatay nya for his 70th bday. The family was preparing for a bonggang bonggang party.

Prior to that kasi, si Tatay Ben ay nabalitang sumakabilang buhay. Kaya bukod sa madalang na pagkakataon lamang ito para mabawasan ang yaman nila eh, gusto lang talaga magpaparty to give thanks.

one week ako halos 2 hours lang ang tulog para ma-accomplish ko ang assignment ko to do 3 video presentations - 1. Go the Distance, 2. Mamang Sorbetero at 3. How sweet it is (yata basta pacute na song featuring all the grandchildren)

at this point ko narealize, the coming year, 70th birthday ng ama ko - Si Ric Guevara, ang daddy kong matigas ang ulo.

pinag-isipan ko talaga eto, subalit hindi napag-ipunan. taga-bangko na ako pero di ko pera ang binibilang ko. pinulong ko ang aking mga kapatid para mag-converge ang aming financial powers para magkatotoo ang party nga (minus the adjective - Bonggang bongga).

March 8, 2009. Ang mahalaga, kumpleto ang pamilya. Kelangan i-hinto ang mundo ng angkan Guevara para walang absent. Kala ko hindi ako pagbibigyan ng mga tyohin, tiyahin at pinsan dahil numero uno akong hindi umaattend pag may event sa kanila - may career kaya ako. Panay nila ginagawa ang okasyon ng weekdays, nakakaiyak mabawasan ng leave, kaya si Daddy ang sugo. Siya ang solo representative sa pamilya.

Eto na nga at nagsi-attend sila, kahit nasabihan ko ng alas-otso ng gabi at ang party alas-onse y media kinabukasan. Sunday naman ito, hindi sagabal sa mga career.

Masaya, nasorpresa si daddy. with green motif pa ah. the last time mag-gather ang angkan was in sad ocassion, mga 2 weeks before this.

Basta kay daddy ko, i get emotional kasi nga napangako ko sana na ung di ko nabigay kay mommy sa kanya. For now, hindi ko pa rin mabigay (ibang issue na ito). To avoid being sentimental kaya i made this log informal na lang.

here are the pics, believe me, masaya at hindi nakakakaba na lumampas sa reservation. mura lang per plate eh. Nakuha sa pakiusap. thanks sa lou-is.

michel angelo's 6th birthday


Show all
Bawat bata ay fond sa tv characters. that's exactly nga ung point
ng creators.


Hindi naman siguro kakaiba na ang kinahuhumalingan ni Gelo aysi Mr. Bean. Adorable naman talaga siya.

on Gelo's 6th birthday, we really cannot throw him a "big" party. in our small ways we managed to have a "bean" party for gelo.

that was August 30, 2007. Since wla naman ako blog dati, ngayon lang ko ito ilo-log.

we captured the smiles on this event, with that we are able look back and feel the happiness. But as we see these photos, within us there should've been better way for gelo to spend his birthday - with his mommy at daddy.

trivia: minsan kayang dayain ang emotions, pero ang technology ang hirap kalaban. there is less chances to revive file ng corrupt na hard disk or ng magasgas ng cd. for a while, pero ko nang sinukuan ang cd kungsaan nakasave ang pis na eto. walang pc na naka-save eto. pag ino-open mo siya mag
hahang ang kahit anung computer.

i don't know just love memories and anything to do with my family lalu na si gelo. 2 days akong di nagtrabaho sa office (sori po pag-ibig, sira pc sa haus nun eh), all i did was to recover these bday picture files. otherwise, wala ako ilo-log today.

anyways, here are photos of Michel Angelo 6th birthday...
(may pnadevelop na ako, nakasave na siya sa 2 bagong cds at naka back-up sa external drive, nakaupload dito. wala assurance na di na siya
mawawala, ever pero matagal pa iyon. for now, enjoy natin uyng moments lalu na bata pa si gelo.)