Birthday ni JV

Thursday, March 31, 2011

Hindi pala ganun ganun lang magpagawa ng lobo.

Weeks before, nagkita kmi ni Aireen - pinsan at kumare ko. Nasa Red Ribbon siya (pa-ex-deal na lang po pag sikat na ang blog ko) at nag-oorder ng cake para sa 7th Birthday ni JV. Debut ng bata: 7 years old. Then syempre invited kami ni Elmo. Tinanung ko kung saan. Ang dinig ko pa nga eh, Calaylayan (barangay sa Abucay Bataan). Kala Ilaya pla. Ibig sabihin, sa Resort nina Doktor Ilaya (sikat na doktor dito).

Excited pa naman kami ma-invite si Elmo sa party ng Jollibee kasi addict siya sa mascot ng Jollibee sa napapanood niya sa DVD. Ilang beses na rin namin pinag-isipan na mag-gatecrash na lang pag sabado sa Jollibee kung may party. Magbabayad na lang kami sa magulang para sa one slot ni Elmo. Nakakahiya yata.

After few days ko lang nalaman na ako pala ang naka-assign sa balloons. Last time ko pa yata nagpagawa ng balloons 2 years ago nung 70th birthday ni daddy. (ung naka-post din sa blog na eto). 72 na si daddy ngayon pero wala nang party nung nag 71 at 72 siya. May handa naman pero wala na sa level ng mayroon pang balloons.

Day before ng birthday ni JV, lumuwas punta ko ng Angeles so hindi na ako nag-order. Dagdag pamasahe pa kaya. Walk in na lang (para lang nag-aapply ng trabaho). Pagktapos ako tanggihan ng unang establishment na pinuntahan ko, eto na ako nag-aabang ng lobo. "Buti na lang wala kami masyado tanggap di kasi pwede rush" sabi ng
may-ari, matapos ko silang kulitin at makiusap.
Suma tutal ng oras ng pinaghintay ko: 2 hours. Ala-una na natapos. Hindi ako pwede magreklamo kasi nun nakiusap ako noong alas-onse, sinabihan naman ako na balikan na lang. ako lang ang makulit kasi dagdag pamasahe pa kun babalik ako.

43 pieces.
1 mother balloon.
Red ang kulay.
"Cars" the movie ang drawing.
Birthday ni JV.

43 pieces kasi ung budget ang naka-set. Divided by kung magkano, equals 43.
di naman ako nagrequest ng mother balloon. libre pla.
Red lang ang kulay lahat. Gusto lang ni ninong.
"Cars" ang tintatak na characters kasi, wala silang Hotwheels. related naman sa Hotwheels theme ng party.
"Birthday ni JV' ang nakalagay sa balloon.
Ang baduy kaya ng "Happy 7th Birthday Justin Vince Garcia!" March 26, 2011, Love Ninong Richie, Ninang Tian and Elmo.

Sa birthday mismo?
Wala naman akong kuwento.
Late kami. Dumating kami ng alas kuwatro, nakaligpit na.
Nakatulog kasi si Elmo, hinintay ko magising. Baka mamerwisyo kung mabitin ang tulog.

Buti idinaan ko na ng alauna. kung sinunod ko ang una kong plano na alas dos na lang ako magpagawa before pumunta ng party... plus 2 hours. alas kuwatro. uwian na.


0 comments: